Friday, April 15, 2011

i'll be what?

"San mo balak magtrabaho pag naggraduate ka?" - asked by my friend, who's really sure of her future work because she'll be going to London to be a ______ there. (bragging, right?)
Saan nga ba? napaisip tuloy ako. Gusto kong maging Media Director ng Marta Stewart Show or ESPN, kaso they need a 10 year experience muna bago makapasok dun, well siguro papasok muna ko sa mga local t.v companies para magkaexperience, hindi naman kasi ganun kabilis ang gusto ko. Maganda din daw maging reasearcher para sa mga shows, as for a communication student na katulad ko, dun lang naman talaga ang perception na pwd kong tingnan, dahil kailanman hindi ako pwdng pumasok sa OPERATING ROOM ng hospital at CONSTRUCTION SITES na para lang sa mga med students at engineering student.:) (PILOSOPO)

Anyhow, gusto ko kasi maging famous novelist, na medyo impossible, kasi over na ang pagka-techy ng mga tao ngayon, paano pa kaya sa panahon namin pag kami na ang magtatrabaho, at gagawa ng mga sulatin namin?:D (grabe lang)
medyo mahirap din pala magisip ng mga bagay na ikatatagumpay mo. haha

"basta pag naPublish na ang unang book mo bigyan mo ko ng copy ha? ay! yung Manuscript nalang ng ginawa mo. go!" - as said by my cousin, Angel Gorospe.
Ang galing no, may mga naniniwala parin pala sakin, haha. pala-isipan parin ang mga bagay-bagay sakin,:)
Minsan pala kailangan mong maghanap na para bukas hindi ka na mahirapan at may idea ka na.. ayan meron na nga naman ako. hindi naman sa pagmamayabang pero, Honestly, gusto ko talagang maging director ng mga show, or even movie..pang world class sana ang dating. haha famous novelist na laging sold out ang copies ng mga sinusulat at in hundreds of language nakatranslate. sarap ng feeling ata nun. (masaya lang) malay ba natin, baka sunod na blog ko eh sinasabi ko na achievements ko. (crossfingers!)

Grabe lang, hindi ko akalain na sobrang libre mangarap:) haha

No comments:

Post a Comment