Kilala na siya ng buong klase niyo pero ikaw pretend not to know him ka pa.
Pati parents niya kilala mo, pati buong family tree niya, pero ikaw mismo di ka niya kilala.
Alam na nga ng mga kaibigan mo na gusto mo siya, kaya pag nakasalubong ka nila sasabihin agad saiyo kung nakita nila si crush sa campus.
Pati nga facebook posts niya tadtad ng like. Ultimo comment sa iba ikinatutuwa mo bigla ka pang makikisingit.
Pag nasa canteen kayo pareho, magpapapansin ka, dadaan ka sa harap niya kahit maluwang naman ang daan sa kabilang side ng canteen.
Yung mga facebook photos niya dinadownload mo. at kung malala, gagawin mo pang wallpaper.
Yung tipong kilala mo lahat ng classmates niya kasi gusto mo makakuha ng update about sakanya.
Yung tipong sinasabi mo sa mga kaibigan mo na "pag naging kami niyan, ay maswerte yan sakin."
Yung makita mo lang siya, kumpleto na araw mo.
Pero paano kung may girlfriend na siya....
Ayan, diyan ka na magddrama... sasabihin mo sa mga kaibigan mo na, "hmf! magbbreak din sila!"
Pag naman nakita mo na yung girl, ayoooon! sasabihin mo... "he! di naman sila bagay. nako! tignan niyo man!"
Pag nakita mo sila magkasama... sirang sira ang araw mo teh!!!:D
Pero paano naman pag bigla siyang nagpakilala saiyo o pinakilala siya ng mga friends mo.....
Crush: Hello, Ako si (name), blah blah blah
Ikaw: hello (blush) (di mapakali) Ako si (name)
Crush: Ah ganun ba, blah blah
Ikaw: (sa loob mo) sheeeer! DIZ IZ IT!!!!
at pagkatapos ng event na yon, paulit ulit mo iyong ikwwento sa mga kaibigan mo.... :D
Ikaw: alam mo nung isang araw si crush.....blah blah
Friend1: ay oo nakwento mo na.
Ikaw: nung ngang minsan si crush.....
Friend2: di ba nakwento mo na yan?
Ikaw: (isisingit sa kwentuhan) yun nga mas maganda yung si crsuh nagkakilala na kami. blah blah
Friends: ulit ulit teh? unli!!! unlimited?
Eh papano naman kung manligaw at maging kayo?
Masaya yan, sabi nila.... lalo na daw sa stage ng panliligaw. kikiligin ka SOBRA. pero pag kayo na.... magiging SELOSA ka, lalo na pag madaming nagkakacrush sakanya... hanggang sa mapansin mo parang di na kayo close.... ayan magddrama ka nanaman...
Pag nagbreak kayo, sobrang bitter mo at maiisip mo... di kasi kayo nagumpisa muna sa pagiging magkaibigan kaya ayan, marupok.:| sad but true
Minsan di mo napapansin yung iba dito nangyari/ nangyayari/ mangyayari saiyo. Dahil ang crush minsan nauuwi sa sweetness pero Madalas.... CRUSH lang dapat talaga.
No comments:
Post a Comment